<body>









profileaffiliatestagboardjournal
★HI RANDOM PEOPLE!

http://fart-time.blogspot.com

I WANT:
all kind of foods.
to travel more!
peace of mind.
lots of $$$$ :D.
good movies
nice people
a new identity.
my own time :)
cheese.
a golden tan.
beautiful ladies.
independecy ASAP.
no rules!
to learn bisaya.

I HATE:
waking up early
school
being a bum =_=
doing errands
'elephant' pants
my NOSE
loss of money
rats, cockroaches & frogs
this poor country
fake people
anything w/ cocnut milk
attendance!!
B-L-O-O-D

what's the time?

★YUP, NOTHING'S UP!




Click on the tabs to browse my profile, affiliates, tagboard and journal.

Don't forget to leave a comment :p

Thanks!


is my defintion of L♥VE.

★MY OTHER OUTLETS

Multiply
Friendster
MySpace
Youtube
Imeem





Sunday, 11 January 2009
Ms. Marian :( / 11:58 pm

Sobrang mamimiss kita. Sana pumasok ako last week, para nakita pa kita after ng vacation leave ko hindi rin po kasi tayo nagmeet before ng bakasyon ko. Pinipilit nyo ko pumasok nung una, pero sobrang hindi ko po talaga kaya. Salamat sa pagiintindi sa sitwasyon ko. Sobrang laki po ng tiwala ko sa inyo kaya sinabi ko agad ang totoong rason ng biglang hindi ko pagpasok. Natouch po ako sa pagintindi at pagaalala nyo sa akin. Alam niyo po, lagi kitang kinukwento sa boyfriend ko at sa mama ko. Sorry din po kung minsan na nainis ako sa inyo, nung mga araw na sabay tayo nag-oopen ng store.. Pero kasalanan ko din naman po iyon kung masyado ko maaga napasok. Sinasarili ko lang po yun badtrip ko nun dahil matagal ako nagiintay sa inyo tuwing umaga. Sinasabi ko pa po sa boyfriend ko na "Maaga pa ko sa nagdedeliver ng dyaryo tapos bukas na yun mga kiosk sa harap ng store namin ay wala pa yun boss ko." Pero hindi po big deal sa akin yun, tanga ko din kasi dahil alam ko ng malayo pa ang pangagagalingan nyo tapos ako mga 10minutes away lang e di ko pa masakto yun time. Im confessing this kasi po i know malalaman nyo 'to dahil nandyan na kayo with HIM who knows every single thing kahit na natatagong emotions or feelings. Anyway, Ms. Marian (pasensya na po dahil super sanay na ko sa tawag ko sa inyong ganyan kahit na ayaw niyo haha, di ko kaya na 'Marian' lang kasi superior kayo ni Ms. Lorriz samin) sobrang dami na din nating good times kahit na 1 month lang tayo magkakilala. Lagi po tayo sabay ng shift.. Closing, Opener. Sabay tayo nauwi ng madaling araw, walang kamatayang tsismisan.. Kakain ng siopao o hotdog sa 7-11, magtataxi tapos magtatalo kung sino magababayad. Mga ganung moments. Nakakatuwa dahil ako pala nagturo sa inyo na merong sakayan ng FX kahit madaling araw na sa may Buendia papuntang LP. Tuwang-tuwa kayo dahil mabilis ang byahe kahit na lagi nyo ko tinetext pag nakaupo na kayo na may katabi kang balyena :D Lagi niyo pa ko binibigyan ng share sa mga ulam na binabaon nyo na binibili nyo sa kapitbahay nyo. Naalala ko pa nung nagpunta tayo ng HQ para sa general meeting ng iba't-ibang branch.. Super late na tayo kaya nagtaxi na tayo, tapos grabeng bagsak natin sa pagod kaya nakatulog tayo ng mahimbing sa byahe. Haynako.. mamimiss ko talaga yun katakawan at pagkahilig nyo sa oatmeal raisin cookie na ayaw na ayaw ko. Pag binibigyan nyo ko nun halos wala nako makain dahil hinhimay ko yun cookie para matanggal yun raisins at nuts. Thank you po sa araw na may nahulog akong isang slice ng toblerone cheesecake habang naglilinis ako ng cake platter.. Ginawa nyo na lang manager's meal yun imbis na pabayaran sa akin. Nakakatouch.. Nakakalungkot dahil ang bilis ng lahat. Nagsisiesta lang ako kanina dito sa bahay namin ng bigla akong itext ni Ms. Lorriz na wala na daw kayo. Ang buhay nga naman. Fuck! FULL OF SURPRISES.

Naiiyak ako, i dont know how to express what i truly feel right now. Sobrang ganda ng samahan naten at ng buong branch Paseo. Ang dami ko po natutunan sa inyo para maging isang barista. I'll try to visit you tom after work kung saan man po ang burol, if there's a chance or pag may time po then i'll give na lang po sa boyfriend nyo yun pasalubong ko sa iyong keychain from Pangasinan. The whole Coffee Bean and Tea Leaf will miss you so much.

Nakakainggit ng onti kasi you get to experience heaven na.. (POSITIVE MUNA) Kasi naman enjoy talaga dyan :) And youre with God the Almighty right now and i believe your mission is already done. Rest in peace..

Favor lang po, this one's for real. Please tell God that i am truly sorry for what ive done, i really am. Alam nyo na po yun, thanks.

I LOVE YOU.